Pero Kasi

Ang hirap maging taong hindi mo naman kayang maging, diba? Baket ba tayo ganito? Parati nating pinipilit ang mga bagay-bagay kahit alam naman nating mahirap?

Masaya ako, oo. Siguro. Minsan, hindi ko sigurado. Minsan, ayaw ko na lang alamin. Minsan, kapag gusto kitang tingnan sa mata, hindi ko magawa, baka kasi malaman mong nahihirapan akong maintindihan kung anong klaseng tao ba dapat ako maging para sa’yo.

Mahal kita. Hindi naman nagbago ‘yon, eh. Pero kasi, ang tanong, kaya ba kitang mahalin sa paraang gusto mo? Kakayanin ba ng pagmamahal ko na tumbasan ‘yong sa’yo?

Dati inisip ko imposible. Pero habang tumatagal, nagkaroon ako ng pag-asa. Pakiramdam ko nagagawa ko na ang magbago. Naging masaya ako. Akala ko kaya ko naman pala. Ang akala ko nararamdaman mong may ginagawa ako. Ang akala ko…akala ko lang pala. Kahit sana kaunti lang? Kaya pala hindi sapat, kasi wala kang maramdaman kahit kakarampot. Baka kaunting sikap pa? O baka di natin namamalayan, sa simula’t sapul, mas manhid ka lang pala.

Syet, nabasa n’yo ‘yon? Ang korni.

~ by tuldok on March 11, 2010.

Leave a comment