Tulong

Ang mga pahinang naka-link mula rito ay isang koleksyon ng aktibismo. Ang pagbisita ay walang bayad. Ang pagtulong ay walang bayad. Ilang click, letra o lagda, ‘yon lang.

Mga ONE-CLICK DONATION SITES:

  1. Help Feed The Hungry – unti-unting tumataas ang bilang ng mga Pilipinong natutulog na gutom gabi-gabi, pero hindi lang sa Pilipinas may nagugutom. Biktima ang buong mundo ng kakulangan sa pagkain dahil sa kahirapan.
  2. Fund Free Mammogram – isa ang breast cancer sa mga pangunahing dahilan ng pagkamatay ng mga kababaihan dulot ng kanser.
  3. Fund Healthcare for Children – sabi nga ni Jose Rizal “ang kabataan ang pag-asa ng bayan.”
  4. Fund Books for Kids – karapatan ng bawat tao ang edukasyon, ngunit may mga batang lumalaking mangmang dulot ng kahirapan.
  5. Preserve Endangered Land – hindi isang kasangkapan ang kalikasan, ang buhay ng tao ay nakasalalay sa kung anong kayang ibigay nito.
  6. Fund Food for Animals – dahil parte ng kalikasan ang mga hayop, sila ay may intrinsic value tulad mo.

SINA LOLA

Bilib ang mga Pinoy sa mga kano. Magagaling sila’t matatalino. Mayaman pa! Malaki ang importansyang ipinapakita natin sa mga Amerikanong nanakop sa ating bansa maraming taon na ang nakalipas. Sila ang nagbigay sa atin ng demokrasya. Ngunit dati pa man, bago pa dumating ang mga Espanyol, nasa puso na ng mga Pilipino ang demokrasya. Allies. ‘Yan ang Amerika at Pilipinas. Mula ng iregalo tayo sa kanila ng mga Espanyol kapalit ang US$20,000,000.00 hanggang sa ipagtanggol nila tayo sa mga Hapon.

Isa lang ang Amerika sa mga dayuhang bansang nagpumilit mag may-ari sa ating Inang Bayan.

Masayang manood ng anime. Nakakatuwang panoorin ang mga Japanese cartoon na mabibilog ang mga mata at mabibigat ang mga hinaharap. Produkto sila ng mga Japanese artists. Maraming Pilipino ang mga naadik na sa anime, bata man o matanda – mga otaku. Pero iilan lang siguro ang nakakaalala ng nakaraan ng Pilipinas at Hapon habang humahalakhak sa paborito nilang anime.

Ang mga Hapon. Ano nga ba ang nagawa nila para sa mga Pilipino? At ano nga ba ang mga sapilitang ipinagawa nila sa ating mga ninuno? Maraming itinatagong sekreto ang kasaysayan. Marami tayong hindi nalalaman tungkol sa ating mga ninuno. Alam nating naging malupit ang mga Hapon sa Pilipinas kaya nga 3 taon lang ang tinatawag na Japanese Occupation. Naririnig din natin ang mga kuwento tungkol sa comfort women, ang mga babaeng kinidnap at ginahasa ng mga sundalong Hapon…pero alam mo bang patuloy ang paghingi nila ng hustisya?

Hindi lang sa Pilipinas may naging comfort women, pati na rin sa Vietnam, Tsina, Indonesia, pati na rin sa Australia. Marami pang bansa. At marami pang kababaihan na mga lola na ngayon ang patuloy na humihingi ng katarungan. Itinatayang 200,000 ang bilang.

Ang pananamantala sa kahinaan, ang paggahasa, marahil ang pinakamapait na maaaring mangyari sa isang babae.

Dito sa ating bansa, patuloy na nagbibingibingihan ang gobyerno sa mga hinaing nina lola. Ang mga lolang humihingi ng kahit man lang isang tapat na paumanhin mula sa gobyerno ng Hapon. Ngunit ayaw aksyunan ng administrasyon, makakasira raw sa relasyon ng mga bansa.

Ikaw? Gusto mo bang tumulong? Pumirma sa petisyong ito upang matulungan sina lola.

Puwede mo ring bisitahin website sa ibaba para mas lumawak ang kaalaman tungkol sa comfort women sa ating bansa:

Laban for the Lolas!


4 Responses to “Tulong”

  1. Napaka-dakila ng mga iilang taong kstulad mo na hindi nakakalimutan ang mga paghihirap ng ating mga ninuno lalo na nang mga kababihan!
    Na-sa’yo ang respeto ko..

  2. haay… ewan kung bakit tuwing mag-iinternet ako lagi ko ginagoogle ang blog mo.. dahil siguro nakakaaliw at nakakalimot ng problema ang mga malikhain mong mga panulat. ilang beses ko na rin itong binuksan at umasang sana meron na ulit bagong mababasa.. ewan ko ba basta nakakatuwa at nakakaliw na basahin mga sinusulat mo lalo na yung tungkol sa buhay-buhay at mga bagay na hindi ko binibigyan ng importansya na mahalaga pala sa buhay natin.. ………….salamat…

  3. @ pipay, maraming salamat sa pag-aabang.🙂
    Pasensya na’t hindi ako makagawa ng bagong akda ngayon, marami kasing bagay na dapat munang unahin. Haha. xD

    Hayaan mo, sa Abril, ako’y magsusumite.🙂

  4. ei.. muzta nmn tuldok.. hehe… napadaan lang ako… inlababo pla.. gud luck …:)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: