Bulutong

Dalawang linggo akong absent sa eskwela. Dalawang linggong halos ikulong ang sarili sa kuwarto. Hindi, hindi ako depressed, lalong hindi akong nagdodroga. Binulutong lang kasi ako.

Oo, bulutong a.k.a. chicken pox. Umuwi ako ng probinsya dahil iniwasan kong makahawa. Ayaw kong manira ng buhay ng ibang tao. Mahigit dalawang linggo rin ako sa bahay at kapansin-pansing marami akong naiwan na responsibilidad. Hindi ko naman sinasadya, hindi ko naman ginustong tubuan ng mga paltos sa buong katawan.

Hindi pala nakakatuwang magka-bulutong. Noon ko lang ulit naranasang magkaroon ng trangkaso. Wala akong ganang kumain. Nanlalamig ako kapag madaling araw. Nahihirapan akong kumilos sa takot na sumabog na lang bigla yung mga bulutong. Madali akong naiirita. Ayaw kong may lumalapit sa akin. Putang ina, kulang na lang murahin ko ang nanay ko. Akala ko mamamatay na ako.

Sa loob ng dalawang linggong pagkabilanggo ko sa apat na sulok ng kuwartong matagal ko nang hindi nakita, kasabay ng nakakatakot na pagpintig ng mga tumubo sa braso’t mga kamay ko, marami akong naalala’t napag-isipan. Malambot pala ang kama ko. Ang suwerte ko.

Sa mga oras na inaalagaan ako ng nanay ko, daan-daang bata ang naghahanap ng kalinga ng isang ina. Sa mga oras na natutulog ako sa malambot kong kama, libu-libong pamilya ang walang maayos na mahigaan sa gabi, libu-libo ang walang matirahan. Sa mga oras na kumakain ako ng inihandang almusal ng kasambahay namin, milyun-milyon na ang namamatay sa gutom.

Habang masaya kang nakikipagkuwentuhan sa kaibigan mo, may mga babaeng sumisigaw, humihingi ng tulong, pinagsasamantalahan ang kahinaan. Habang namimili ka ng sapatos sa SM, may batang nasagasaan sa isang kalsada matapos s’yang murahin ng mamang hinihingian n’ya ng kaunting limos na nakasakay sa kotseng kinatukan n’ya ng bintana. Habang naglalaro ka ng Final Fantasy sa Play Station, dalawang magkapatid ang binubugbog ng tatay nila.

Madalas — parati, wala tayong malay sa mga nangyayari sa paligid natin. Pero bakit nga ba? Nakatira naman tayo sa mundong pinangyayarihan ng mga kamaliang ito. Ah, siguro dahil mahabang panahon na tayong nakakulong sa isang mundong hindi natin namalayang nabuo sa pagnanais nating lumayo sa pananamantala ng totoong mundo. Siguro nga.

~ by tuldok on August 13, 2006.

8 Responses to “Bulutong”

  1. uyy gean bakit andito ka na? blog mo din eto? ano na nangyari dun sa alter-egoz.net blog mo?

  2. @ “ate ems” >

    Hindi po ito ang diary ni Gean.

  3. Tinatablan ka pala ng sakit. (joke)

  4. whoa!

  5. buti walang kasabay na sore-eyes🙂

    nice one!

  6. ang hirap talaga ng my bulutong! grabe.. prang aq ikaw..
    aukong makikita aq ng mga tao.. sabi ko nga sa sarili ko.. i look like monster na! nakakainis un..

  7. ano gamot na ininom mo? my paraan ba para di dumami? ano mga di dapat kainin?

  8. …saludo co sau^^ i like d way u think…. npka-open minded m…. gnyan ang 22ong writer…! sna ipagpatuloy m yan…..

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: