Tanga

May mga taong ipinanganak sa pamilya ng mga relihiyoso, yung tipong bawat anak ng mga tiyahin mo…pari. Yung iba naman sa pamilya ng mga sundalo, kaya mahirap kung bakla ka. Pero paano naman kaya mabuhay sa loob ng pamilya ng mga negosyante?

May lahi akong Intsik, hindi nga lang halata. Purong Pilipino kasi ang tatay ko at kalahating Instik naman si nanay. Yung lolo ko ang purong Intsik, oo, yung tipong bulol magsalita ng lengguwahe natin. Kasama si lolo sa henerasyon ng mga Intsik na umalis ng Tsina ilang taon matapos ang Ikalawang Opium War. Hindi ko na s’ya naabutan pero maraming beses ko na rin pinagmasdan ang histura n’ya sa mga litratong nakatago sa maliit na silid-bihisan ni nanay. At napansin ko rin na iilan lang sa walong anak n’ya ang nagmana sa kanya. Isa si nanay doon. Hindi maikakailang may dugong Instik ang nanay ko. Unat ang buhok, maputi at makinis, at singkit ang mga mata. Hindi mayaman ang pamilya nila pero masipag daw si lolo, hindi nga lang gaano marunong magtago ng pera. Nag-aral sa Chinese school ang nanay ko, pero hindi s’ya natutong magsalita ng diretso sa Fookien at Mandarin. Numero at ilang salita lamang ang natutunan n’ya, ganoon rin ang sitwasyon ng mga kapatid n’ya. Nagdesisyon s’yang mag hanap-buhay noong nagtapos s’ya sa sekondarya, simula noon…paghahanap na ng pera ang naging buhay n’ya. Uso pa ang fixed marriage noon kaya ipinagkasundo si nanay sa isang lalaki na mula sa pamilyang puro Intsik. Hindi n’ya gusto kaya nakipagtanan s’ya sa iba, sa tatay ko.

Bangungot ang unang dalawang taon ko sa grade school, pinag-aral ako sa Chiang Kai Shek School sa probinsya. Magaling at kasama ako sa mga natatangi sa regular na klase (English, Math, Science, etc), pero bobo naman ako sa Intsik. Hindi Intsik si tatay, hindi diretso mag-Intsik si nanay kaya hindi ako na-praktis sa bahay. Makalipas ang dalawang taon, inilipat ako sa public school.

Magaling na negosyante si nanay. Isa s’ya sa tatlong babae sa kanilang magkakapatid. S’ya rin ang may pinakamalaking negosyo. Malaki ang tubo. Yun nga lang, ipinambabayad lang sa interes ng utang sa bangko (mahabang istorya ‘yan, ‘wag na natin pag-usapan).

Magaling na negosyante si nanay, yun nga lang pumapaltos sa pagiging ina at asawa. Hindi naman masamang ina at asawa ang nanay ko — sa katunayan, mabait s’ya at ‘yan na rin ang naging problema. Sa sobrang bait tila ba nagpapakamanhid na s’ya at nagpapakabulag sa mga ginagawa ng asawa’t mga anak n’ya. Ika nga nila, isang modern martyr. Nasasaktan ako tuwing naririnig ang mga katagang ‘yan kapag inilalawaran nila ang nanay ko, s’yempre, nanay ko ‘yon, eh, at ang pagiging martir ay higit na negatibo kaysa positibong katangian. Minsan nasasambit ko rin ‘yan kapag napapagalitan ko s’ya, minsan nga nadudulas pa ako’t binabansagan ko s’yang tanga. Totoo naman yun at wari ko’y alam n’ya rin na tanga s’ya.

Balik sa pagiging negosyante, marami kaming negosyo — may hardware, feed shop, tailoring shop, bumibili rin kami ng copra, nagtitindang tiles, at lumber dealer ang nanay ko — at lahat ng iyan sabay-sabay na pinamumunuan ng nanay ko. Magaling, masipag, s’ya ‘yan. Rich kids nga raw kami. (Akala lang nila ‘yan.)

May kanya-kanya ring negosyo ang mga tiyahin ko. Yung pinakamatanda, may bakery at feed shop, malakas ang negosyo niya. May tatlo s’yang anak, lahat nagtapos ng kursong Business Administration – yung una: Major in Marketing, yung pangalawa: Major in Management, at yung bunso: Major in Entrepreneurship. Kinarir nila. Lahat ng ari-arian ng tiyahin ko, nakapangalan na sa tatlo n’yang mga anak. Pati na rin ang mga negosyo, magagaling naman ang mga pinsan ko, hindi maikakailang mga negosyante. Isang taon lang ang tanda sa akin ng bunso nila – manager na ng bakery, may dalawang bahay na. Yung nag-iisang babae, yun yung pangalawa, halos tatlong taon ang tanda sa akin, manager na ng feed shop, may dalawa ring bahay. Yung pinakamatanda naman, kasing-edad lang ng ate ko – may sarili nang paupahan at may sarili na ring bahay.

Yung sumunod naman sa nanay ko, may ari ng sari-sari store. Pero hindi yung sari-sari store sa tabi-tabi – malakas yung tindahan nila. Ang yaman n’ya nga, eh. Wala nga lang s’yang anak. Kaya kami na lang ang tagapagmana.

Kami? Walang kumuha ng kursong komersyo sa amin. Wala namang pakialam ang mga kapatid ko. Ako? Gusto kong umuwi na lang at tumulong sa negosyo, tumigil na sa pag-aaral at pag-aralan ang mga transaksyon sa tindahan kaya lang ayaw ng nanay ko. Ako ang pinakamagaling sa aming magkakapatid — sabi nila. Ako raw ang mag-aahon ng nanay ko sa kahirapan at depresyon, aayusin ko raw ang pamilya namin. Ako ang bida parati kapag pinag-uusapan kaming magkakapatid sa reunion. Nangingiti at natatawa na lang ako pero putang ina…tama na. Pakiramdam ko itinapon nila sa akin lahat ng responsibilidad na tinanggihan ng mga kapatid ko’t tatay ko.

Nahihirapan na ako.

~ by tuldok on October 11, 2006.

11 Responses to “Tanga”

  1. “Instik” is a derogatory and racist term used by most Filipinos to refer to what we know now as Filipino-Chinese/Fil-Chi/Tsinoy/Chinoy.

    It is like calling a Filipino “Indiyo”.

    You should know better.

  2. Kung ganoon, paano ko po isasalin ang salitang ‘Chinese’ sa ating wika?

  3. Tuldok, that would be, “Tsino”.🙂

    Although I am a Filipino-Chinese, I don’t take offense over that, simply because it would be pointless.

  4. LOL. xD

    Salamat, Euri.

    Ngunit hindi ko namang intensyong unsultuhin ang sinuman. Fil-Chinese ang aking ina. xD

  5. Euri, it would be nice to let ignorant people know the right way to use words.

    It may have no effect on you, but others may feel otherwise.

    Thanks.

  6. I am a Tsinoy too. And a ‘word alchemist’ (writer:>). Let’s clarify things. The word “Intsik” is the direct and official translation in Filipino of the English term “Chinese”. As modern times set in, the term transformed in its colloquial form, “Tsino”. Compare the term “teacher”, its direct translation is “guro”. In adopting the Western culture, “titser” became acceptable, a rather modified form.

    “Intsik” thus is a valid and a non-racist word. “Indio” is a different case. It directly translate to “illiterate”. And we all know that “illiterate” is not, and never will be, equal to the term “Filipino”.

    Once, in my mom’s homeland, they call me “Intsik”, though I only have little trace in the blood as yours. It is not offensive. I am proud to say that I am a Filipino and Intsik in one.

    Who’s not using the right words? Some people just have an irrational sensitivity. I salute your work TULDOK. I am proud that you can vividly express your thoughts. Don’t let people throw stones at you just because you used a term misconstrued.

    (Haven’t he seen the p***ngi** there? It is a clear expression. If anybody could really understand words, one should not take it rather very foul. If used without reference to anybody’s mom, it simply is an expression of disgust, disappointment, anything negative.)

  7. Let us put out the fire in the word war. What I really am after is the story. I searched for the site of TULDOK, a Filipino animation, that I came across in the papers. I ended up with your blog. I could relate. It was as if I wrote it myself. With the same disgusting expression (hehe)! I have studied formal Chinese curriculum in elementary too. I have a chinito dad. I am prouder of my mom. I feel the same way as yours whenever reunion sets in. I have a lot of stories to tell about being an INTSIK and at the same time a Filipino. Cultures crash, principles collide, but being in the middle teaches a lot of things. (sigh!) A bit of advice: write your thoughts, write it all, spill it all, as if you were never born a writer (but you are!). Writers have a lot of experience to be had. You’re a great one.

  8. Gusto ko pagkakasulat ng entry na ‘to.🙂
    Dati ako ang bida samin, ako daw pinakamagaling.
    Pero ngaun hindi na, ang gaga ko kasi.

    Sana naaalala mo pa ko Tuldok.🙂

  9. kiss440ravens –

    Sapul! Nakasalalay sa konteksto ng nagbabasa ang mga salita.

    Sinabi kong wala akong intensyong insultuhin ang sinuman, totoo ‘yun. Dahil hindi ko naman alam na may mas malalim at mahabang kuwento pala ang salitang ‘Intsik.’

    Salamat.🙂

  10. sa aking pagbabalik sa pahinang ito, maligaya akong nakatulong ang mahaba kong punto de vista sa iyong sanaysay. nawa’y maging bukas ang lahat tulad mo tuldok.

  11. …hmm..e2 nnman aco^_^

    …lhat ng entries m mgnda pgkakagawa…

    …nka-relate lng aco dun s last paragraph m, kc s Family nmin, gaya m, ako ang inaasahan na aahon sa family co…ndi n nga aco na-f’flatter pag pinupuri aco ng mga relatives co… pra kcng itinapon nga lhat ng responsibilities skin… as you’ve said..
    …kya aco iniiwasan co ma-feel na responsibility co cla, at ung “pressure”… kya wen tym cums n naf’feel co ung pressure, iniicp ko nlng, pano qng wla ako?, dba aco ang inaasahan ng family co? so gngwa co clang inspirasyon co sa mga ginagawa co.. para full of Love ung mga gngwa co imbes pressure… (make sense?)

    …ms.tuldok, di man kcng dami ng mga experiences m ung mga experiences ko, at d rin ako kcng professional m, e2 lng po mssbi co…. mahalin m ang lhat ng gngwa m, di man pra sundan ung pgiging negosyante ng family m.. pra lng sna s mommy mu,en s mga brothers m.. at xmpz, pra dn s future m…. OYE! kip it up! idol!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: