Oi, Tibo Ka Raw!

Baket ganun na lang parati?!

Masyado bang maliit ang hinaharap ko?

May balbas ba ako?

Kalakihan ba ang muscles ko?

O sadyang baliktad lang ba ang amoy ng pheromones ko?!

Baket ba parati na lang ako napagkakamalang tibo?!

Wala naman akong galit o diskriminasyon sa tinatawag nating third sex ngunit hindi ko lang talaga lubos mawari kung baket parang dumadalas ang nagkakamaling kabilang ako sa nasabing kasarian.

Noong maliit ako, daig ko pa ang kuya ko kung makipaghabulan ako sa mga motorsiklong rumaragasa sa gitna ng kalsada. Vroom! Vroom! Abot-tainga ang ngiti ko noon sa tuwing naririnig kong may gumagaraheng traysikel sa labas ng tindahan namin. Takbo palabas, sakay sa harap kahit hindi kilala ang may-ari. Pilit sisipain ang clutch. Isa, dalawa, tatlo. Ikot ang manibela. Vroom!

Nangingisda kami sa isang malaking ilog. Dadaan kami ng damuhan bago makarating sa destinasyon. May nakasabit na tirador sa leeg. Nangingitim na ang kili-kili. Tumutulo ang pawis. Sinisinghot ang sipon. Sinusuyod ang bayan. Adbentyur!

Para akong lalaki noon. Boys bob yata ang tawag sa gupit ko, maikli, kita ang dalawang tainga. Maitim pa ako, halatang napapabayaan sa ilalim ng araw, maraming peklat sa tuhod.

Maputi ako. May kaunti pang traces ng peklat sa tuhod, pero maliban doon makinis naman ang kutis ko. Nakaka-bad trip nga noong binulutong ako. Hindi na tuloy ako flawless. Nag-iwan pa ng dalawang malaking crater yung virus sa noo ko.

Medyo pansin nga lang ang mga ugat ko sa paa’t kamay, maliban kasi sa maputi na ako, mahilig pa akong maghugas kahit pagod. S’yempre marumi, kaysa naman matulog akong nanlalagkit.

Wala naman akong balbas. Di halata ang facial hairs ko, inggit nga ang mga ate ko. Mas evident pa ang white heads sa ilong ko.

Wala naman akong malalaking muscles. Payat nga ako. Seksi, hindi gaano. Para kasing peras ang hugis ng katawan ko. Hindi nga kalakihan ang hinaharap ko pero mukha raw akong puwet. Pero sabi ng iba, di naman nasobrahan ang laki ng puwet ko. Asset, ba! Asset ng isang babae.

Inaamin kong hindi ako marunong mag-makeup. Pawisin ako kaya wala rin kuwenta kung maglagay ako ng makeup. Unless mamahalin, yung tipong kahit maghilamos ka na di pa rin matatanggal, pero wala akong pambili nun. Di rin ako hygienic pagdating sa pagpapagupit ng buhok at pag-aahit ng kilay. Hindi neat tingnan ang haircut ko, kulot kasi ako. Kulot at manipis ang buhok. Hanggang pony tail lang ang hairdo ko.

Di ako maarte kung manamit. Jeans, t-shirt, Converse Chucks o Skechers Retro o Diesel Rugged na rubber shoes. Yun lang. Kung saan ako komportable, yun ang pinipili ko. Baket naman ako magi-skirt? Eh, nagko-commute lang naman ako, malakas ang hangin at hindi rin bagay sa mga sapatos ko. Komportability at praktikality. Di ako mahilig sa palamuti, except sa hassle na, takot pa akong magpahikaw. Oo, wala akong hikaw, may phobia kasi ako.

Perfume? Yucks. Ni cologne nga wala akong tiyagang mag-spray. Pulbos sa mukha? Foundation? Istorbo lang ‘yan. Madalas akong late, sagabal lang ang mga ‘yan sa pagmamadali. Naliligo naman ako.

Hindi ako mahinhin. Makulit ako. Mahilig bumungisngis. Umaabot nang seven inches ang diameter ng bunganga kung tumatawa. Malakas ang boses kapag nakikipagbiruan. Kulang sa breeding. Eh sa masaya ako, ano bang pakialam mo?

Dumadating sa mga events na walang baong facial tissue. “Mahangin sa labas.” Walang baong suklay. Nakikihiram lang ng makeup kit. Nagpapalagay pa ng makeup. Parang garden na napabayaan ang mga kilay. Hindi blooming. Walang kyuteks. Haggard. Tatawa, gagalaw na walang ka grace-grace.

Ordinaryo ako sa dati kong kolehiyo. Di naman kasi mahilig mag-ayos ang mga tao dun. Baket naman sila magbo-bother? Mga kompyuter lang naman ang kaharap nila. Samantalang sa kurso ko ngayon, kelangan mag-effort para magmukhang tao. Di pa siguro ako lubos na nakakapag-adjust. Pero sabi naman ng mga kaibigan ko, naninibago na raw sila sa pananamit ko. Nagbabago na nga siguro ako, pero di ko pa siguro naaabot standards ng mga kaibigan ko sa kolehiyo.

At wala akong boypren. At wala pang balak magka-boypren.

Siguro nga. Mapapagkamalan talaga akong tibo.

~ by tuldok on January 25, 2008.

5 Responses to “Oi, Tibo Ka Raw!”

  1. habang binabasa ko ung entry mo, di ko mapigilang hindi matawa.. ganyan din kasi ako..😀

    madalas din akong tawaging ‘one of the boys’ simula nung magelementary ako hanggang college. di rin ako mahilig magmakeup at wala akong balak magsuot ng high heels.. at madalas din akong pagkamalang tibo..

    hayaan mo, lilipas din yan.🙂 saka eh ano naman kung isipin nilang tibo ka, basta sa sarili mo alam mo kung ano ka. ^_^

    naks, nagbigay daw ako ng advice?! hehehe.. sa susunod na may magsabi sau na tibo ka, sapakin mo na lang. lol.. ^_^

  2. hehehe buti nga ikaw tibo e ako bakla daw e lol!

  3. Naalala ko tuloy nung nauna akong nag OJT sa banko. Nirerequire ba naman akong mag make-up. Ayaw ko nga. Bleh!😄

  4. ako nga mga kuya ko pa nagsasabing tibo daw aq..
    tapos mas gusto ko daw ung mga girls kesa sa boys..
    pero wala na lng xqen.. i know myself better, than anyone else around me.. who the hell cares dba!

  5. …grabeh, I can’t help myself n matawa habang binabasa co ung entry n’toh… xmpre, nkaka-relate din kc aco…

    …since elementary kc lagi nla ako tinu2kso na TOMBOY daw aco.. kc, wlang ka-poise-poise ung mga galaw co, ska ndi ako mahinhin magsalita.. just lyk u, I prefer wearing ordinary jeans, t-shirt, rugged shoes…kung san aco komportable kesa sa mga pa-girlalu na damit na hindi ko nman kayang dalhin… la rn kwenta db?

    …hanggang ngaung college nco, kala nila tomboy aco, porque pra akong otap pag nkatagilid, may pwet nman! ASSET! sv mu nga… peo d ibig svhin nun, tibo kna… hmm..wla nman un s physical appearance qng babae ka, lalaki, tibo, o bakla… basta ikaw higit sa lahat, alam m sa sarili m kung sino at ano k tlga…

    …anu dn nman ngaun kung wla pang boyfriend? gnyan tlga mga tunay n babae, marunong maghintay s tamang lalaki.. at isa pa, pinaghahandaan din yan xmpre… focus k muna s pg-aaral, drting din ung tmang oras s mga gnyang bagay… di gaya ng mga karamihan n nagmamadaling humarap s buhay may-asawa…. (maka sense?)

    …basta.. hayaan mu lng ung mga “INSEKYURADAS” s paligid mu,. as long as alam mung wla kang gngwang masama, wg k mgpa-bother s mga sabi-sabi nila… enjoy life!! wlang pakelamanan,… unless pakelaman m dn cla…

    …ahum… MORE POWER ghURL!!!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: