Kaleyj

Nagsimula na ang klase. Halatang may pag-aalinlangan kong binati ang bago kong kurso. Sumagi sa isip ko na baka mali ang papasukin ko, na baka magsisi ulit ako, maraming beses. Pinilit kong patakbuhin ang aking imahinasyon, maari rin sigurong maganda ang hinaharap ko rito, maari rin sigurong mahanap ko ulit ang nawawala kong pagkatao. Nahirapan ako. Pero sige, subok lang.

Inaamin kong naguguluhan pa rin ako. Alam kong hindi ko naman talaga gusto ang kurso dahil hindi naman talaga ito ang pangarap ko. Kaya lang naman ako lumipat kasi wala na akong ibang mapagpilian. Wala na rin akong magagawa, heto na, eh.

Dalawang semestre na ang lumipas. Summer sunshine na pero sa dormitoryo pa rin ako nakatira. Nag-aaral kahit bakasyon. Sa bagay, sanay naman ako – hindi rin naman ako umuwi sa nakalipas na dalawang bakasyon.

Dalawang semestre na ang lumipas pero hindi pa rin nagbabago ang pangarap ko. Simple lang naman ang pangarap ko: ang malaman kung ano talaga ang pangarap ko.

Six years old yata ako ng ginusto kong maging abogado. Sabi kasi ng tatay ko ‘yon daw ang nababagay sa akin at para raw may magtanggol sa kanya kapag dumating ang panahong kailangan n’yang humarap sa hukuman.

Fourteen years old naman ako ng plinano namin ng nanay ko na sa halip na kumuha ng kurso upang ihanda ang sarili sa pagiging abogado, mag-Nursing na lang daw ako. Maraming pera kasi doon – hindi ka lugi. Sige! Sounds good!

Fifteen years old ako ng malaman kong ayaw ko palang mag-Nursing – ito ay matapos kong pumasa sa pinakamatanyag na unibersidad sa bansa. Itinuloy ko ang kursong Computer Science. Sosyal naman ang titulo ng kurso at mahilig naman ako sa kompyuter. Pero bago nangyari ‘yon nagkaroon kami ng mahabang diskusyon ni nanay, pinagalitan n’ya ako. Dapat daw mag-Nursing ako kasi andun daw yung pera – ano naman daw ang mapapala ko sa Computer Science? (Hindi n’ya pa kasi alam noon na Php150,000 ang suweldo ng isang Computer Scientist sa Singapore.) Pero sa huli, ako ang nagwagi. Ang sabi ko sa kanya ‘akong bahala sa’yo.’

Seventeen years old, patapos na ang unang semestre ng ikalawang taon ko sa unibersidad, nagsimula akong mapaisip. Binalikan ang mga class cards, tinitigan ang mga grado. INC -> 3, 4.0 -> 3.0, 5.0, etc. Syet.

Seventeen years old, matapos ang mahabang Christmas vacation, muli kong nalanghap ang maruming hangin ng Quezon City. Enero…

Tuldok: Ma, gusto kong mag-shift. *pilit na pinipigilan ang pag-hikbi*

Nanay: Ha? Sige. Anong kurso?

Eighteen years old ako ng nalaman kong natanggap ako sa Kolehiyo ng Pantahanang Ekonomiya, sa kursong BS HRIM.

Eighteen years old, dise-otso. Ngayon. Nangangarap pa rin ako kahit nahihiya na ako sa sarili ko at sa mga umaasa at aasa pa sa akin.

Apat na araw. Kaarawan ko na. Natatakot akong baka hindi ko pa rin alam kung ano ang pangarap ko.

~ by tuldok on April 26, 2007.

9 Responses to “Kaleyj”

  1. quite deep(your use of tagalog that is)

    jst droppin’ by, like the theme of your blog very personal.🙂

  2. parehas tayo, hindi ko sigurado kung ito ba talaga gusto ko, information technology. hai. kahit na ok naman grades ko parang may kulang. bahala na pagkagraduate.

    advance happy birthday tuldok.

  3. nakow! ako magcocollege na rin diz pasukan. Ewan ko kung sigurado ako sa pinasok ko na kurso. Para tuloy akon natatakot na baka magkamali ako at sna sinunod ko n lng nanay ko at mga relatives nmn na magnursing n lng ako. Gus2 ku comsci pro ayaw nla! O cge ECE n nga lang! kaso di ko ramdam eh! HayyyZZ!
    Huwag ka mawalang ng pag-asa kaya mo yan! Kaya natin to!

  4. nung una nangarap ako pero bigla nalang tinahak ng sarili ko ang mundong salungat sa pag-iisip ko- – ang sikreto pala kahit anong gawin mo kailangan mong ienjoy ito eh paano kung hindi mo gusto? simple gustuhin mo pwede naman diba? salamat sa maganda mong akda kapatid- –

  5. ehy tuldok
    i like your entry
    nmmn cguro dpat mo muna bigyan sarili mo ng taym to think what do ou really want

    xyet!!! ako dn nursing hayks!!! hagupit nga ehhh!! na dapat sana bs bio… whew magtittnda lang daw ng gamot,,,
    hanggang sa ngeon hinahanp ko padin ang sarili ko sa alapaap
    lumlilipad at d alam saan patutungo,,,,
    walang magulang na nag aasam ng masama para sa anak

    dude!!! go3 patunayan mung tama ka!!!

    -ICE

  6. wahaha…
    ang galing ng gumawa ne2…
    maraming salamat…
    kht d m lm dhilan,
    bsta salamat nlng…hahahha
    tnx ult…
    *mwuah*

    -wAy-
    *6o9*

  7. ako nga pla si tutuldok…
    nice to meet you tuldok!

  8. nakarelate ako.
    thanks sa pagPost ng article mo.

  9. …gosh! nka-relate nnman aco…
    … 2nd year college nco.. Information Technology..
    …Nursing sna kukunin ko sa Our Lady of Fatima University s Manila. scholar sna co dun kaso, nttkot aco makisalamuha ulit sa Maynila, dahil magulo.. lalu na Tondo pco 2mu2loy… at isa p, hindi co feel ung Nursing…

    …so kumuha aco ng Computer course dahil ang akala co un tlga ang gusto co.. hanggang ngaun, nangangapa prin aco s pangarap co… ndi co alam qng anu tlga gusto kong mmangyari s future co… kya cnsv co nlng “BAHALA NA”..

    …ngaun, ng-eenjoy nlng aco s studies co, mganda rin nman mga grades co, Luckily, napili acong Scholar ngaung sem.. sna mamaintain co grades co,. nkaka-pressure n nga eh.. hm.. bsta advice co lng s lhat, ENJOY LANG! may mgndang plan c God pra s lhat…

    …gnda nnman ng article m ms.Tuldok^_^

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: