Alam Mo Ba?

Alam mo ba yung pakiramdam na parang ang tulin ng ikot ng mundo? Yung tipong gusto mong magpagulung-gulong sa lakas ng tibok ng puso mo?

Kapag may kinatuwaan akong gawin, pagsusumikapan ko ito hanggang sa maging magaling na magaling ako. Madalas pa nga ay hindi ko namamalayang nagmumukha na pala akong tanga sa ibang tao. Ganun yata ang nararamdaman ng mga taong nalululong sa droga. Kinakalimutan ang mundo, at nagkukulong sa kuwarto. Mag-isang tumatawa ng malakas, at nakakalimutang kumain at matulog.

At pagkalipas ng ilang linggo, buwan o taon, sa isang malamig na umaga, bigla na lang mawawala yung pakiramdam na ‘yon.

Alam mo ba yung pakiramdam na parang ang gaan ng katawan mo at ang bagal ng mga taong dumadaan? At wala ka nang maramdaman kahit patak ng ulan sa balat mo, at wala ka nang marining kahit bulong isang malakas na ihip ng hangin. Yung tipong manhid ka na. At kahit ilang beses mong kurutin ang sarili mo, hindi mo pa rin madama yung sakit, hanggang sa mamaga’t mangitim na lang yung braso mo.

Minsan, nagtataka ako kung baket ang bilis kong mahumaling sa isang bagay. At, madalas, nagtataka rin ako kung baket ang bilis mawala ng pagkahumaling ko sa isang bagay. Kahit anong pagpupumilit ko ay matamlay pa rin ang pulso ko.

At sana…hindi umabot sa puntong mabilis ko ring makalimutan na minsang pinatulin ng isang tao ang ikot ng mundo ko.

~ by tuldok on March 13, 2010.

One Response to “Alam Mo Ba?”

  1. u8fd9u53e5web1.0u65f6u4ee3u7684u540du8a00uff0cu5728web2.0u65f6u4ee3u5df2u7ecfu4e0du592au9002u7528u4e86u3002u6bd5u7adfu7f51u7edcu80ccu540eu6d3bu751fu751fu7684u4ebau6bd4u51b7u51b0u51b0u7684u6587u5b57u66f4u6709u610fu601du3002u201cu8981u662fu4f60u4e0du544au8bc9u6211u4f60u662fu8c01uff0cu6211u7ba1u4f60u662fu4ebau662fu72d7uff0cu76f4u63a5u5f53u4f60u662fu81edu72d7u5c4eu5f97u4e86u201duff0cu5475u5475uff0cu67d0u4ebau8bf4u7684u3002 Click https://twitter.com/moooker1

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: