Aremika

Natatakot akong aminin na kaya ko ‘to pinasukan dahil wala na akong ibang mahanap na solusyon.

Noong maliit ako, pinangarap kong suyurin ang mundo. Pinangarap kong makalipad kasama ang mga ibon. Pinangarap kong makarating sa buwan, manirahan doon kasama ang aking mga kaibigan. Lumaki akong nilulunod ang sarili sa panaginip, punung-puno sa kasinungalingang pumapawi sa mga mapang-aping suliranin, mga suliraning pumapatay sa sigla ng isang bata.

Marami na ang dumaang buwan pagkatapos kong magdesisyong lumipat sa kursong ito. Mula sa mundo ng mga makinang gumagawa ng milagro patungo sa mundo ng mga sibuyas at patatas.

Putang ina.

Noong maliit ako, ni hindi sumagi sa isipan ko na manilbihan. Kahit kailan, bago ko baguhin ang takbo ng aking buhay, hindi ko man lang naisipang kumuha ng kursong sangkot ang pagluluto’t paghuhugas ng mga napagkainan ng ibang tao. Dahil kahit kailan hindi ko pinangarap na maging katulong.

Pagkatapos kong magtiis para lang maipasa ang Microbiology? Ang Statistics? Ang Chemistry? Ang Calculus? Gagamitan ko ba ng derivatives ang mga plato?  Para saan pa ang inaral kong Accountancy? Ituturo ko ba sa mga guest ang chemical formulas ng mga prosesong nangyari sa loob ng salisbury steak nila? Isang malaking kalokohan ‘to, dude.

Nag-aaral ako sa pinakatanyag na paaralan sa bansa para magpakaalila. Ano ‘to? Gaguhan?

Apat na buwan na ang nakalipas nang isulat ko ang mga talata sa taas, marahil dulot ng pagod at mahabang araw kaya’t di ko napigilang magsalita ng mga hindi kanais-nais.

Sa ngayon, binabalak kong mag-practicum sa Aremika. Sosyal kasi ako, like you know. Sa totoo n’yan, kasalukuyan kong inaayos ang aking mga papeles. At kasalukuyan ding naghahanap ang nanay ko ng ipapambayad ko sa pagsakay sa eroplano.

Four months ago, habang pagalit akong naghuhugas ng kawa, ni hindi ko nahakang babalakin kong mag-pracaticum sa tate. Ni hindi ko nga naisipang tapusin na ang ilang units ng practicum ko ngayong bakasyon.

Tatlong buwan lang naman.

Posible kayang makapag-uwi ako ng bolang niyebe mula sa esteyts? Kasi marahil sa Marso lumipad na ako at gusto ko sanang mag-uwi ng snowman para ilagay sa salas namin. Kung posible sana…

~ by tuldok on January 8, 2008.

One Response to “Aremika”

  1. hehehe okey lang yan..kesa naman sa singapore ka mag practicum, nakita ko kung gaano kahirap ang mga nagpapracticuk ng hrm dun. saka it’s a matter of choice kapatid..kung ayaw mong magpa-alila iwanan mo na yang kursong kinuha mo..kasi kahit ano gawin mo di ba alila naman talaga ang manilbihan sa ibang tao?

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: