Tingin Mo?

Nai-post ko na 'to dati, kailangan ko lamang ng ilang komentaryo.

Mundong RGB vs. Mundong CYMK

Para na naman akong naglalakad sa buwan kanina. Parang isang music video: Malamig ang hangin, nag-iisa, nakatingin sa malayo, tila malalim ang iniisip. Mga kalahating oras din siguro ako ganoon hanggang sa maalala ko na nasa Maynila pala ako – sa gitna ng kalsada. Bilisan mo! Putang ina! Baka mamatay ka na wala sa oras! ang pumasok sa isipan ko ng makita kong papalapit ang isang asul na garbage truck. Hindi ko naman sinasadyang magmukhang tanga sa gitna ng kalsada at lalong hindi mo naman ako masisising magpadala sa kung saan sa ihip ng hangin. May iniisip ako. Marami. Tumingin ako sa wristwatch ko at nakitang nakaturo na ang nakangiting si Pooh sa 5. Shit, ang tagal kong nawala sa sarili. Kailangan ko na palang magpaalam sa real world at bumalik sa mundong tila binahiran ng mga itim at puting crayola.

Nalulungkot ako kapag bumabalik sa mundong walang ingat kong hinubog mula sa sakit at luha. Nababanas ako kapag naiisip kong kailangan ko na namang magtago sa ilalim ng isang itim at mainit na belo. Hindi ko sinasadyang maging maramot sa mundong ito pero naghahanap ang pagkakataon ng paraan upang mapilit ako. (Hindi ko intensyong magdrama.)

Bumilis ang mga yapak ko. Bilis! Bilis! Takbo! Takbo! Naghabol ako. Tinulinan ko pa hanggang sa dumilim ang paligid at ang mundo ay para na lamang pinaghalong tikwas ng kulay na asul, pula at luntian. Ang mga ilaw, naging bituin. Ang maiitim na usok, naging kumot na langit. Tumingin muli ako sa orasan, nakangiti pa rin si Pooh, habang nakaakbay sa parang natatakot na si Piglet, gumagalaw pa rin ang kamay, nakaturo hindi sa isang direksyon, mabilis, pabilis ng pabilis – umiikot! Tigil. Yumuko ako. Kinakabog. Kinamot ang ulo. Nasa bahay na pala ako.

Ang sarap makipaghabulan sa oras.

Ang sarap pagmasdan ng mundong may kulay.

Ang RGB (Red, Green, Blue) ay ang tatlong kulay na pinapaghalo upang mabuo ang iba't-ibang kulay sa isang computer monitor.

Ang CYMK (Cyan, Yellow, Magenta, Black) ay mga kulay na ginagamit naman ng isang printer.

Sa madaling salita, ang CYMK at RGB ay mga kulay na ginagamit ng mga makina upang gayahin ang kulay ng 'real world'. Ngunit ayon sa aking propesor, higit na malapit sa tunay ang mga kombinasyon ng RGB kaysa mga kombinasyon ng CYMK.

Maraming Salamat.

~ by tuldok on May 2, 2006.

9 Responses to “Tingin Mo?”

  1. ganda ng artik mo. hehe.

  2. Astig naman nito. Weird talaga itong si Tuldok. Next time ha wag kang emote ng emote habang naglalakad sa kalsada. Baka sari-saring kulay ang makita mo pag nasagasaan ka. Hala ka.

  3. Astig… oo, naalala ko yang article na yan. astig.πŸ˜‰

  4. updated na link mo! wehehe

  5. Parang nabaon na to sa baul ni lola ah. Biga ba namang hinukay. O.O

    Dito naman sa amin, CMYK ang mga colors na ginagamit namin sa pag dedesign ng mga print ads, kasi, malinaw yung mga colors. Matingkad kung baga compared sa RGB.

    Tapos yung RGB colors ginagamit namin sa Web (wla naman kasing CMYK sa web) at sa mga photography. Mas close kasi sila sa actual ones eh.πŸ™‚

  6. hello. printer namin sira. dahil cigruo sa CMYK at RGB. grr. hehe. napadaan lang po!

  7. halu (.) aba naman. mg ingat bka d kna mkpag emot ng wla sa oras. ako nga pla c kamote. hi . musta kna? CMYK wow d ko alam un huh. ntwa nmn ako sa wristwatch mo me pooh ??? yngats ka lang. lalaki ka cgro no?

  8. Hello!!,, Medyo na gulumihanran(tama ba yung word?) ako sa entry, pero astig siya in a way! XD~ mahilig ka ba sa Pooh?

  9. hay. yep it’s really hard to wake up in the morning especially when you still want to close your eyes and continue your romantic dream. but what can anyone do. it’s a blessing to wake up in the morning, isn’t it?

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: