Takipsilim

Nakakatakot pagmasdan ang pagsikat ng araw, nahahabag ako tuwing naririnig ang tilaok ng mga manok at nanlalamig kapag alam kong muling babati ang mga bulaklak at paru-paro sa malamig na umaga.

Hindi madali para sa ibang tao ang gumising sa umaga. Hindi madali para sa akin. Pinipilit kong ngumiti, umunat, humikab na parang walang pakialam sa sinag ng araw na tumatagos sa bintanang nakasara. Pinipilit kong batiin ang haring araw na walang ibang iniisip kundi ang tamis ng ihip ng hangin na yumayakap. Ngunit mapait ang lasa ng sinag, nilulunod ako ng banaag. At kahit anong pilit kong paniwalain ang sarili sa tamis ng hangin, natatalo ako ng sakal nito.

Wala na akong ibang magawa — kundi ang maghintay.

Tila buhos ng malamig na tubig ang paglubog ng araw. Panaklolo ang takipsilim. Nababahiran ng uling ang paligid. Nagsisilbing kumot ang dilim. Naililihim ang mga kamalian. Naitatago ang mga luha.

~ by tuldok on May 17, 2006.

7 Responses to “Takipsilim”

  1. Mas gugustuhin mo bang hindi na sumikat ang araw? Maaring may idulot na pighati at sakit ang pagsikat ng araw, pero, mas mamatamisin mo bang habang buhay na lang balot sa dilim ang lahat?

  2. hay. yep it’s really hard to wake up in the morning especially when you still want to close your eyes and continue your romantic dream. but what can anyone do. it’s a blessing to wake up in the morning, isn’t it?

  3. Euri, kaya kong tiisin ang pagsikat ng araw para makitang balutin muli ng dilim ang paligid.

  4. mas gusto mo ang lumubog ang araw? bakit naman?

  5. Ade —

    “Naililihim ang mga kamalian. Naitatago ang mga luha.”

  6. ako tamad bumangon. hehe. pero anyway, blessing na yung magigising ka sa umaga.

  7. ..dico alam qng papano co ssvhin ung mga nsa icp co…

    …mnsan dn kc naiicp co ung mga gnyang bgay… peo… sang-ayon din aco s cnv ni euri…

    …”tomorrow is another day”… sv nga commercial s Lucky me.,

    …hhyaan m bang puro gnun nlng takbo ng buhay m araw2-gabi2…? icpin m nlng lhat ng mggndang bagay s mundo… “Think positive” cnsv lagi ng ProF co…

    …”Mind over matter” pg, inicp m mgnda, mgnda rin mangyayari… pg inicp m panget, panget rn mangyayari….

    (hope it make sense)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: