Si Tuldok

Edad: 21

Kasarian: Babae

Status: Gerpren ng Boypren N’ya

Lokasyon: Sa isang masikip na kuwarto sa orange boarding house sa likod ng Unibersidad

Trabaho: Nagkukunwaring Pilosopo

Libro: Glass Castle – Jeannette Walls, Angela’s Ashes – Frank McCourt, Cold Sassy Tree – Olive Ann Burns

Pelikula: Good Will Hunting, The Secret Life of Bees

Si Tuldok: Ako si ako. Mahilig ako sa mga kuwento. Magbasa at magsulat. Magmuni-muni. Maglakad sa highway na parang walang pakialam sa mundo. Umupo at humiga sa malamig at basang damo ng Sunken Garden. Masayang magkuwento ang simoy ng hangin doon, eh.

Kung kinumusta mo ako noong nakaraang dalawang taon, marahil sinagot kita ng ‘hindi ako masaya, hindi rin ako kontento.’ Pero ngayon, mataas kong sasabihing ‘pinipilit kong sumaya, pinipilit kong maging kontento.’

Hindi ako mabait na tao. Pero naniniwala akong hindi rin ako masama. Palangiti ako at mahal ko ang aking pamilya at mga kaibigan. Malaki na ang ipinagbago ko mula ng malaman kong may puwang ako sa mundong ito. Ikaw din, kaya mong gumawa ng dahilan para mabuhay, at walang makakanakaw ‘nun (parang edukasyon, diba?! *kindat*kindat*), ‘wag mo na lang sayangin. Para masaya ka rin. =]

Sa kasalukuyan, wala pa akong listahan ng mga pangarap. Hindi ko pa magagawa ‘yon, hindi pa kasi kumpleto. Gusto ko kapag isusulat ko ang mga ito may malinis akong papel, may bolpen na itim ang tinta at higit sa lahat, alam at nasaulo na ang mga pangarap para sa ibang tao. At pangarap para sa sarili.


8 Responses to “Si Tuldok”

  1. Naparayo ako sa blog mo… Dumaan ang mga mata ko sa mga letrang inencode mo sa pc. Mmm… Hindi ko alam kung paano ko sasabihin ito na parang hindi pilit at peke… Basta ang alam ko maganda ang blog mo. Wala na akong masabi pa…

  2. Hi Tuldok:

    Interesting yung concept mo, ang pag-incorporate ng ideyang tuldok sa blog mo. Kaya linagay ko sa link page ko (http://postcardheadlines.wordpress.com/postcard-links/) ang blog mo. Napatagalog tuloy ako. haha.

    Maraming salamat.

    Karlo

  3. nakakaaliw ang mga nabasa ko dito.. pansamantalang nalimutan ko ang aking sarili.. nadala sa mga nabasa ko.. salamat.

  4. ng tuldok ay may salaysay at may kahulugan na dapat mapansin at maintindihan.Kahit sino ka man ay dapat malamann na dito sa mundo ikaw ay tuldok lang.Kahit na ang araw sa kalangitan siya ay tuldok lamang sa kalawakan.Lahat ng bagay ay tuldok ang pinanggalingan at kung masdang mabuti, tuldok ang uuwian.Tingnan mong mabuti ang ‘sang katauhan maraming nag-aaway, tuldok lang ang dahilan sa aking nakita, ako’y natawa lang sapagkat ang nangyayari’y malaking kahibangan.Kaya wala kang dapat na ipagmayabang na ikaw ay mautak at maraming alam.Dahil kung susuriin at ating iisipin katulad ng lahat, ikaw ay tuldok rin.

  5. ^ Kasalukuyan kong dina-download ang kantang iyan.šŸ™‚

  6. magandang araw tuldok. interesting na sobra ang blog mo. =)
    sobrang appreciated ko siya. pasensya na. di ako kasing galing ninyong mag salita ng Filipino. pero astig talaga. Malikhaing Pagsulat ba ang course mo?šŸ˜€

    • Hindi, pero pangarap ko sanang lumipat ng CW noon.šŸ˜¦ Ayaw nga lang ng nanay ko. Pero oks na rin.šŸ™‚ Salamat!šŸ˜€

  7. Habang nag-iisip ng paraan upang mapalitan ko na yung “about me” sa profile ko sa friendster, naisip ko, magsearch kaya ako sa Google? “Who am I?”, “Sino ako?”, “Ako si…” Sige type lang ng type ng kung anu-anong keywords. Pagkatapos ng ilang minuto ng paghahanap, ako’y sinwerteng napadpad dito. Eto lang masasabi ko: Tuldok, astig ka! Andaming mga bagay ang tumatak sa isip ko habang/pagkatapos kong basahin lahat ng entries mo. Lalo na yung may yema? Ansaket sa puso habang binabasa ko yun!šŸ˜¦

    ‘di bale. Solb nanaman ako e. Sa wakas, mapapalitan ko na yung “about me” ko. Salamat sayo, Tuldok.šŸ™‚

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: