Sunken Garden

Masaya kong tinitigan ang mga ulap habang inaamoy ang kulay-kaking damong kinauupuan. Tag-araw pero hindi alintana ang init ng simoy ng hangin, parang magiliw na haplos ng isang bata. Tag-araw, pero parang isang malawak at umaawit na lilim ang mga ibon sa langit. Musika ang tawanan ng mga batang naglalaro ng habulan sa kabilang dako ng parke. Nakakatuwang panoorin ang mga nangingibig sa ilalim ng mga puno. Payapa.

Naisip kong maraming sekretong itinatago ang parkeng ito, mga sekretong nabunyag sa ibabaw ng mga damong handang kumalinga sa mga gustong magbuhos ng tuwa o luha, sa ilalim ng mga punong hindi tatalikuran ang talumpati ng sinuman. Makailang beses na rin akong nakakita ng mga umiiyak – mag-isa o grupo – at nakarinig ng mga humahalakhak habang hinihintay ang paglubog ng araw. Ito ang tahanan ng mga taong nais maranasan ang yakap ng isang mapayapang mundo, taliwas sa pangungutya.

Ate, bili ka na. Pasensya na, ah, may ipit pa kasi ako. Sige na, ‘te, baon ko lang bukas. Pasensya na talaga. Saan ka ba nag-aaral? D’yan lang po sa Balara. Anong grade mo na? Greyd 6 na po ako, ‘te. Alam mo, ‘te, ga-gradweyt na nga po ako sa linggo. Huwaw! Astig, ah, congratulations. Gusto ko pong yumaman. Ako rin, pareho pala tayo ng pangarap. Pag-igihan mo lang ‘yang pag-aaral mo. Eh di itutuloy mo yung high school? Opo, siguro. Asan ba mga magulang mo? Baket ka nagtitinda? Yung nanay ko po nangangalakal din dito ng basura, yung tatay ko po iniwan na kami. May pamilya na s’yang iba. Sinasaktan n’ya nga po ang nanay ko dati. Eh, yung mga kapatid mo? Yung kuya ko po, hindi na nag-aaral, nagsusugal lang po tapos hindi pa nagta-trabaho, sinisigawan n’ya pa nanay ko tsaka sinasaktan kami kapag hindi s’ya binibigyan ng pera. Yung ate ko po hayskul, ako yung sumunod sa kanya. Tsaka yung bunso, greyd 1 po. Pareho pala tayo ng istorya ng buhay, eh. Ha? Baket po? Mahabang istorya, pero magulo rin ang pamilya namin. Pero kahit na magulo, gusto ko pa ring yumaman, marami akong pangarap para sa kanila na gustong tuparin. Hehe. Ako rin po! Yung nanay mo na lang pala kasama n’yo. Paglaki ko gusto ko magkaroon ng power. Para pag matanda na nanay ko pababatain ko s’ya. Ayos, ah! Gusto ko rin n’yan. Sabi n’ya sa akin dati, gusto n’ya raw kapag namatay na s’ya, dun s’ya ililibang sa isang malaking bahay, yung parang sa mga intsik, para pag magbibisita kami may matutuluyan kami. Para raw hindi s’ya dadaan-daanan lang tsaka tatapaktapakan kapag may mga dumadaan. Okey lang daw na nasasaktan s’ya ngayon, pero ayaw n’ya raw po kapag patay na s’ya. Kawawa naman nanay mo, eh di s’yempre mahal na mahal mo s’ya? Opo. Ilang beses ka bang mag ‘I love you’ sa isang araw? Hindi po. (Tawa.) Nahihiya po ako. Hindi ko nga po maibigay yung mga kard na ginagawa sa skul kapag balemtayms. Aasarin lang ako ng bunso kong kapatid, parati akong inaasar nun, eh. ‘Te, anong pangalan mo? Ako? *toot* Ikaw? Jepriy po. May boyfriend na po kayo? Baket ka nagtatanong? Liligawan mo ako? (Tawa.) Hindi po. Wala lang po kasi kaleyj na kayo, diba? Wala, eh. Di naman kailangan sa buhay ‘yan, di naman ako payayamanin n’yan. (Tawa.) ‘Te, may tugtog ba ‘yan? Alin? ‘Yan, o, yung nakasabit sa leeg mo. Ah, ito? Oo, gusto mong makinig? Sige! Eraserheads ‘yan. Alam ko ‘to, ah. Maliit na butas lumalake! Konteng gusot dumarame…’Te, o! May eroplano. Oo nga…taas ng lipad, ‘no?

~ by tuldok on April 29, 2007.

14 Responses to “Sunken Garden”

  1. Hmm.

    May nagtitinda naman minsan sakin ng mais, kaso dinedma ko. Syempre hindi ako mahilig sa mais. Sa Sunken Garden din yon, last last week lang. :d

    Kaso matanda na siya ehh. Haha!

  2. May nakakwentuhan din ako dating nagtitinda, sampaguita, batang lalaki din. Nakakaawa istorya niya.

  3. wala akong pake-alam sa mga masasagasaan ko. ayos nga yun eh… kaya nga ang importante eh, “apektado ka”. hindi man kita masagasaan ng pisikal eh nasagasaan ko ang konsensya mo, kung meron man.

    ~alam ko ang pagkakaiba nila

    mabuhay ka
    ~adios

  4. Parang masaya makipagkwentuhan sa kanila. Hindi lang sila matuto sayo kundi pati ikaw mismo matututo rin sa kanila. hindi ko alam kung saan yang lugar na yan pero sana balang-araw makarating din ako diyan at may makasalamuhang isang taong bata pa man pero may sense na!

  5. kasing taas ng eroplano ang pangarap ng bata.

    Pangarap kong tuparin ang mga pangarap mo.
    -pichay

  6. May dinala ako sa sunken garden nung isang araw, grabe, romantic talaga yung place na yon. Hehehe. Mas relaxed kami so mas nakapag usap kami nung kasama ko.😀

  7. sunken garden madalas maingay dahil sa rakenrolan minsan naman tahimik pero sa pagkaalam ko isa syang saksi sa lahat ng bagay…

  8. daan lang.

    ganda ng pagkasulat. na-enjoy ko yung entry. paminsan kinakausap ko rin yung mga nagbebenta sakin. one time sa baywalk, yung batang nagtitinda ng roses.😀

  9. Tsk, na-miss ko tuloy bigla sunken! Maganda ang pag-kahibla ng kwento. Mahusay ang ending. Keep it up!

  10. nasaan na si tuldokÉ uhmmn si tuldok ba at si hibang ay iisa lol!

  11. nasaan na si tuldok uhmmn si tuldok ba at si hibang ay iisa lol!

    Hindi.🙂 Pero kaibigan ko si Hibang. Hehe.

  12. hehehe nasan na si hibang? ahhhh kilala ko si hibang lol! hehehe lagi ko pala sya nakikita🙂

  13. may nkakwentuhan na ko once… si james. he’s nice. i gave him something and then umalis siya saglit.. tapos bumalik din. umalis pala siya to share the others what i gave him.

  14. …minsan din may nka-kwen2han aco s may cmbahan s pampanga. (tga-pampanga kc aco, laking tondo lang)… 3 bata cla mgkakapatid, nkakaawa lng, kc bat cla hinahayaan ng mga parents nla n mgtrabaho s gnung edad… maswerte nman ung ina nila kc khit pnpbyaan nya mga anak nya, di xa pinapabayaan ng mga anak nya… d co man alam buong istorya nla, nainspire prin aco ng sobra, kc khit bata plang cla, naapreciate nla ung sacrifices ng mama nila khit nagkukulang ‘to s maraming bagay…
    …gnda ng pg-kakagawa ng entry m ms.Tuldok… kip on writing inspiring articles!!! mor power!!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: