Buwan

Maaga akong nagising kanina, 5:00 AM nagsimulang tumunog ang alarm ng cell phone ko, nagpatuloy ng ilang minuto hanggang sa napagod na ako at natakot na mabingi, naka-level 5 kasi yung volume, tsaka 3315 yung unit ko kaya kapag naka-max ang volume, ibig sabihin — Max.

Nahirapan akong bumangon, malakas kasi ang pull ng gravity ng kama ko kapag mga ganoong oras, s'yempre malamig, masarap magpakabatugan habang tumutulo at naninigas ang laway. (Hoy! Walang bahid ng kabastusan yun.)

Napatingin ako sa bintana at muntikan ko nang malunok ang laway na namumuo sa bibig ko ng makita ko ang buwan. Walang mga bituin. Yung buwan lang na tila nakasabit sa bughaw na tela ang bumati sa akin ng magandang umaga. Kung hindi ako nagkakamali, crescent waning ang tawag sa moon phase na yun. Nakakatawa. Siguro mababaw para sa ibang tao, napaka-ordinaryo kasi ng buwan, hindi naman 'yan nawawala. Pero para sa isang taong katulad ko na madalang lang masilayan ang buwan — wika nga nila, once in a blue moon lang — napakalaking bagay nun. May mga buwan kasing lumilipas na hindi ko nakikita kahit isang beses ang buwan. (Oy, pun yun! Haha.) Kung para sa inyo hindi — sa akin, malungkot na bagay yun.

Labis sa atin ang hindi, kung hindi bihira, nagbibigay ng pagpapahalaga sa maraming bagay sa mundo. Bihira nating napapansin ang mga bagay na naghihintay din ng puna.

Aminin mo na kasi, isa ka dun.

[Marahil napaka-ordinaryong tema nito pero…nagpapaalala lang, baka kasi, tulad ng sinabi ko, nakalimutan mo na namang magpahalaga.]

***

 

S'ya nga pala, maraming salamat kay Euri.

WotH.gif

 

~ by tuldok on April 25, 2006.

7 Responses to “Buwan”

  1. Akala ko pa naman kung ano na ang nakita mong kaya’t tumutulo ang laway mo! (Puro bahid ng kalibastusan!)

  2. Welcome po sa award.🙂

    Hibang-
    Gackt! Gackt! Si Gackt laman ng panaginip niyan! Ahaha!

  3. ang aga mo namang gumising may bwan pa🙂

  4. ako.. pantasya ko ang buwan. natutuwa ako pag nakikita kong buo siya.

    okay lang ba sau if ililink kita? gusto ko blog mo. hehe

  5. oo, astig talaga ang buwan. ang gandang tingnan.

  6. lumipat ka na pala🙂

    check mo ung new update ko period🙂

  7. kakaiba ka gumawa ng kwento para kang si Bob ong…

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: