Parang Ecstasy?

Madaling maghanap ng dahilan upang mabuhay. Pero higit na madaling isipin ang mga dahilan upang bumitaw, hindi na kailangang maghanap, ipikit mo lang ang mga mata mo, malalaman mo na, sa isang iglap, babaha ng paliwanag.

Masarap sigurong magpaalam sa mundong pumuksa sa karapatan mong mamahala ng sarili mong buhay. Masarap nga siguro.

Madaling mawala ang kulay. Bumabalik, pero magtatago rin pagkalipas ng ilang sandali. Sabik ako sa makikislap, mababango at magaganda, bihira kasi sa tunay kong mundo. Kaya't sa tuwing may pagkakataon, nagpapatangay ako sa agos ng kabila kong mundo. Minsan, madalas, pinaplano ko ang tuluyang pakikipagtanan sa mga alon. Hanep, ganito siguro ang pakiramdam ng mga nagmumumog ng ecstasy at pumapakyaw ng shabu sa Pasay, nagpapadala sa makukulay at mababangong kanta ng sirena. Pero…

Mahal ko ang buhay. Mahal ko sila. Putang ina, hindi ko nga alam kung bakit. Siguro ganun lang talaga yun. Ganun lang talaga. Siguro.

~ by tuldok on April 17, 2006.

8 Responses to “Parang Ecstasy?”

  1. Wala na tayong magagawa. Ganyan talaga ang buhay. Tanggapin na lang kahit na papilit.

  2. Yun ang challenge: ang mabuhay.😉

  3. ngayon lang ako nadaan dito. na-attract kasi ako sa ‘tuldok’ nung makita ko ang link mo sa isang blogsite din. kaya ni-click ko. dati kasi may domain ako, tuldok.org. haha.

    btw, gusto ko yung style ng pagsulat mo. hehe.

  4. madalas talaga .hindi nangyayari yung mga bagay na gusto nating mangyari sa buhay natin … lagi nagtatanong bakit ganoon, bakit hindi ganito … it’s either tatanggapin na lang natin na ganyan talaga … o gagawa tayo ng paraan para maiba naman.. pero madalas din ..hindi natin alam kung paano … hanggang sa tatahimik na lang tayo …pipikit ..yayakapin ang bumabalot na dilim ..at doon lilikha ng isang pangarap ..ganoon na nga lang.

  5. Maganda naman ang buhay. Masarap mabuhay. [Liar!] lolz
    Sa taas ba naman ng presyo ng bilihin at sa nangyayari sa pulitika sa ating bansa, I don’t blame you or others kung ganyan ang feeling. Basta ilabas mo lang. Masasanay ka rin sa buhay😄. Ako? Di pa rin SANAY, Waaahhh!

  6. Linked you up already. I link mo naman ako ok? tanx ;))

  7. Masyado kang malalim di kita maarok…pero may natural na galing ka sa pagsusulat…natutuwa ako dito sa blog mo…imbes na magreresearch ako sa project ko…naakit akong basahin yung maiikli mong kwento…

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: