Asan Ka?

Kailangan kong umiyak pero hindi kayang lumabas ng mga butil na likido mula sa mga mata ko. Nahihiya sila, pero gusto nang sumabog ng tear ducts ko, patuloy ang pag-agos pero hindi makalabas.

Siguro gusto nilang makasigurong may magpapatahan sa akin kapag hinayaan ko na silang dumaloy na parang mga ilog. Siguro gusto nilang makaalis agad sa matagyawat kong mga pisngi, gusto nilang makasigurong may magbibigay sa akin ng panyo kapag sinimulan ko na ang ritwal ng panghihinayang at pagsisisi.

Nahihirapan na akong huminga, gusto na ring sumabog ng dibdib ko. Malakas ang pintig ng mga ugat ko sa katawan, sa gilid ng noo, sa mga daliri. Nanginginig na ang mga labi ko, pabilis ng pabilis ang tibok ng puso ko, parang kidlat, palakas ng palakas, parang kulog.

Kailangan ko nang makaalis dito. Gusto ko nang tumakbo. Pero saan? Gusto ko nang magpaalam. Pero kanino?

Maingay at madilim ang gabi. Maingay at binabalot din ng maiitim na ulap ang umaga. Walang katahimakan. Kahit saan ako pumunta may pumipigil sa akin na makawala sa mga ugat na nagmimistulang mga kamay na humuhugot pailalim ng lupa. Hindi ako makagalaw, pabilis ng pabilis ang pagsakmal ng kumunoy. Natatakot na ako. Nanghihina.

Kailangan ko nang makaalis dito. Gusto ko nang tumakbo. Pero saan? Gusto ko nang magpaalam. Pero kanino?

Sa hangin. Tama. Sa hangin. Pero hindi ko s'ya makita.

Asan ka?

Pahigpit ng pahigpit ang kapit ng mga ugat, parang mga piraso ng basag na salamin na tumuturok sa mga paa ko. Habang nakakabinging bumabagsak sa kayumangging lupa ang mga patak ng dugo.

Dugo.

Pula.

Ang masangsang na amoy ng pulang dugo mula sa katawan ko. Masangsang! Oo, masangsang. Mula sa katawan ko. Dumadaloy sa mga ugat ko. Tinitibok ng puso ko. Ang katauhan ko.

Asan ka…

~ by tuldok on March 10, 2006.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: