Bulag Ka!

Unti-unti kang naaagnas habang hinihintay mong dumating ang pagkakataong maging malaya, kailangan ka munang parihapan ng mga taong umaaligid sa'yo na parang mga anino mo sa gabi. Suffering => Happiness daw, sabi nga ng propesor ko sa English 12, ang ibang tao nga raw, self-mortification ang sagot. Mahirap isiping kailangan mo munang magpakahirap para lamang lumigaya, lalong mahirap ang magpakahirap para lamang lumigaya. Pero sabi nga, kapag nakamit mo na raw yung kaligayahang muntikan mo nang ikabuwis ng sarili mong hininga, oks na oks na, sulit na sulit. Kaya mo nga hinayaang i-torture ka ng mga putragis na yun dahil alam mong may isang magandang bagay o pagkakataong naghihintay sa'yo. Pero hindi ba't masaklap kung yung inakala mong magandang bagay, yung inasam-asam mo sa loob ng maraming taon kapalit ng mga tila kagat ng mga askal sa EDSA ay walang halaga pala?
Nagmistulan kang isang masokista, eh hindi mo naman sinasadyang mabulag at mawala sa sarili habang papaakyat sa kinalalagyan ng hinog na mansanas. In short, nagpakagago't nagpakatanga ka. Ang hindi mo alam, inuuod na pala ang pulang mansanas na kumikinang mula sa ibaba ng puno. Hindi ka nga nagpahulog habang umaakyat, sanay ka na, eh (oo na, kahit hindi ka masokista), sanay ka na sa torture pero iba naman ang mundong tinatakbuhan ng isipan mo. Isang sorpresa, kala mo makakatikim ka na ng red and crunchy apple, nagkamali ka pala.

Mahirap magsalita ng patapos, mahirap mag-assume ng mga bagay-bagay lalo na kung buhay mo ang nakataya. Minsan, may mga pagkakataong akala natin nakakuha na tayo ng gold medal, yun pala bronze lang, hindi mo kasi alam ang kaibahan ng dalawang kulay.

Pero 'wag kang malungkot, okay lang yun. At least, ngayon, alam mo na.

~ by tuldok on January 10, 2006.

2 Responses to “Bulag Ka!”

  1. dagdagan mo pa… kulabg eH!!

  2. John Cave, pakiramdam ko tapos na. =)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: