Hanapin Mo Ako

Gusto kong tumakbo ng mabilis na mabilis! Gusto kong magkaroon ng pakpak. Gusto kong matutong lumipad.

Pa'no 'yan, nasa siyudad ka, remember? Kung sakaling mang magkaroon ka ng pakpak at matutong lumipad, masusuffocate ka naman sa sobrang dumi ng hangin sa taas. At kung sadyain mo mang tumakbo ng mabilis, saan? Maynila 'to, Tuldok, Maynila. P'wede rin sa Luneta, kaya lang 'di mo alam ang papunta dun. Pero kung plano mo talagang tuluyang magpaalam sa mundo, i-try mo, pumunta ka ng Edsa, mag-abang ka at kapag may nakita kang bus ng Philtranco, takbo ka agad sa gitna. Hindi lang simpleng kamatayan, lasug-lasog pa ang katawan mo at lawit ang pinkish mong dila.

Bakit ba sa tuwing maganda ang gising ko, sardinas lang ang almusal? Bakit ba sa tuwing maaga akong pumapasok, wala ang prof ko? Bakit ba sa tuwing sinisipag akong mag-aral sa Calculus, nawawala ang notes ko? Bakit ba sa tuwing nangangarap ako, sumusulpot ang mga taong dumudurog sa katauhan ko? Hindi ko alam kung natural na kamalasan o sadyang kinakarma lang ako sa sobrang sama ko sa dati kong buhay.

Siguro nga galit lang ang mundo sa akin. Kapag binibigyan niya ng lollipop ang ibang bata, yema lang ang akin. Pero okay lang. Hangga't kaya ko pang tiisin ang inggit. Hangga't nalalasahan ko pa ang kaunting tamis.

Gusto ko munang magpakalayo. Gusto ko munang magtago sa isang lugar na kung saan ay walang nakakakilala sa akin. Na kung saan ay hindi ako masasaktan habang kinakain ko ang yema ko.

Kahit saglit lang.

Tuldok: Tsaka buti pa sa probinsya kapag maaraw…mahahanap mo ang araw…dito sa Maynila…alam mo ngang may araw…ndi mo naman alam kung sa'n hahanapin…

~ by tuldok on October 12, 2005.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: