Ayaw

Ayaw ko sanang pilitin ang sarili ko na gustuhin ang alam kong ayaw ko, ayaw ko sanang magmukhang tanga sa isang bagay na alam kong sisira sa akin, ayaw ko sanang pahirapan ang sarili ko kung alam ko namang makakalayo ako…pero pinipilit ko pa rin.

Madalas, marami tayong ayaw at marami rin tayong nagagawang pagkakamali dahil sa mga 'ayaw' na 'yon. Pero bakit nga ba kahit nagmumukha ka nang gago, nasisikmura mo pa ring harapin ang mga ayaw mo? Nagpapakagago ka nga. Nakakalito at masakit…isa ako sa mga taong nagpapakagaga sa ayaw ko. May sagot ako sa tanong na 'yon pero tila ayaw kong intindihin. Dahil nasasaktan ako. Kasi…kahit ano sigurong pilit ko, kakasuklaman at kakasuklaman ko pa rin ang mga ayaw ko. Alam ko naman, diba? Pero putek…ba't ba pinipili ko pa ring masaktan? Mahal ko kasi sila. Gusto kong tumanaw ng utang na loob kahit alam kong hindi naman 'yon kailangan dahil obligasyon naman nila ang mga ginagawa nila para sa akin. Nagpapakatanga ako sa mga desisyon ko, kinakalimutan ko ang mga gusto ko't mga pangarap ko para sa kanila. Kinakalimutan ko na lang ang sarili ko dahil ayaw kong madagdagan pa ang paghihirap nila. Dahil mahal ko sila.

Nahihirapan na ako. Pero alam kong kaya ko kahit ayaw ko. Alam kong magagawa ko dahil para 'to sa kanila at hindi para sa sarili ko.

Kaya kong maghirap.

Kaya kong kalimutan ang mga pangarap ko.

Dahil gaga ako.

Putang ina.

~ by tuldok on October 4, 2005.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: