Gifted Ako

Sinungaling. Siiinungaling!

Oh well. Kailangan ko pa bang ipaliwanag kung bakit ako naging sinungaling? Magaling akong con artist. Gifted ako. Oo, sige, masama na kung masama pero sa tingin mo ba sinasadya kong pagmukhaing tanga ang mga tao sa paligid ko araw-araw? Sa tingin mo ba sinasadya kong magpakatanga rin at saktan ang sarili ko? Waaaw naman kung oo ang sagot mo. Alam kong sinungaling ako pero kahit kailan hindi ko ito naging hilig.

Lahat naman ng tao ay may itinatago. Lahat tayo nagsisinungaling. Para sa tatay. Para sa nanay. Para sa mga kapatid, kaibigan, palaboy, alagang aso…at madalas para sa sarili. Hindi ko ikinakailang madalas akong magsinungaling para sa sarili ko. Pero hindi ko naman kayang sisihin ang sarili ko dahil alam kong hindi ko naman pinangarap na maging sinungaling paglaki ko. Pero, unfortunately, may mga bagay-bagay sa mundo na kailangang harapin sa pamamagitan ng panloloko.

Maliit pa lang ako, magaling na akong artista. Grade 3 pa lang ako, naloloko ko na ang teacher ko. Madalas akong umarte na masakit ang tiyan o kaya ang ulo para lang makauwi, bumebenta naman. Mabilis akong umiyak, eh. Pero bakit? Bakit ba ang galing kong umarte? Dahil nainggit ako. Produkto ako ng broken marriage. Magkasama pa ang mga magulang ko pero — utang na loob, maghiwalay na lang kayo.

Alam mo ba yung sa mga pelikulang lokal? 'Yong may batang pulubi tapos may makikita siyang isang pamilyang masayang kumakain sa loob ng restaurant? Kung anuman ang nararamdaman ng batang 'yon, kayo na ang mag-imagine, ganoon parati ang nararamdaman ko kapag nakakakita ako ng isang pamilya. Naiinggit ako. Siguro mababaw para sa ibang tao pero subukan mo munang lumaki sa isang bahay na kinagaganapan ng World War III bago kayo manghusga. Kapag lumaki ka sa isang pamilyang masahol pa sa  aso't pusa kung magsakitan, malalaman mong hindi ganoon kadaling mabuhay na inosente at tapat sa mundo. Madalas akong magtaka dati kung bakit araw-araw nag-aaway ang mga magulang ko, kung bakit nambabae at adik sa alak ang tatay ko, kung bakit gabi-gabing umiiyak ang nanay ko at kung bakit ko sila iniiyakan. Natakot ako. Nahiya. Nainggit. Kaya natutong magsinungaling sa mga tao. Hanggang ngayon dala ko pa rin 'yon. Ang takot, hiya at inggit.

Nakakatawa nga, eh. Pati sarili ko pinagtatangkaan ko na ring lokohin.

Ngayon, sa tingin mo, kasalanan ko ba?

~ by tuldok on September 28, 2005.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: