Mundong RGB vs. Mundong CYMK

Para na naman akong naglalakad sa buwan kanina. Parang isang music video: Malamig ang hangin, nag-iisa, nakatingin sa malayo, tila malalim ang iniisip. Mga kalahating oras din siguro ako ganoon hanggang sa maalala ko na nasa Maynila pala ako – sa gitna ng kalsada. "Bilisan mo! Putang ina! Baka mamatay ka ng wala sa oras!" ang pumasok sa isipan ko ng makita kong papalapit ang isang asul na garbage truck. Hindi ko naman sinasadyang magmukhang tanga sa gitna ng kalsada at lalong hindi mo naman ako masisising magpadala sa kung saan sa ihip ng hangin. May iniisip ako. Marami. Tumingin ako sa wristwatch ko at nakitang nakaturo na ang nakangiting si Pooh sa 5, shit, ang tagal kong nawala sa sarili. Kailangan ko na palang magpaalam sa real world at bumalik sa mundong tila binahiran ng mga itim at puting crayola.

Nalulungkot ako kapag bumabalik sa mundong walang ingat kong hinubog mula sa sakit at luha. Nababanas ako kapag naiisip kong kailangan ko na namang magtago sa ilalim ng isang itim at mainit na belo. Hindi ko sinasadyang maging maramot sa mundong ito pero naghahanap ang pagkakataon ng paraan upang mapilit ako. (Hindi ko intensyong magdrama.)

Bumilis ang mga yapak ko. Bilis! Bilis! Takbo! Takbo! Naghabol ako. Tinulinan ko pa hanggang sa dumilim ang paligid at ang mundo ay para na lamang pinaghalong tikwas ng kulay na asul, pula at luntian. Ang mga ilaw, naging bituin. Ang maiitim na usok, naging kumot na langit. Tumingin muli ako sa orasan, nakangiti pa rin si Pooh, habang nakaakbay sa parang natatakot na si Piglet, gumagalaw pa rin ang kamay, nakaturo hindi sa isang direksyon, mabilis, pabilis ng pabilis – umiikot! Tigil. Yumuko ako. Kinakabog. Kinamot ang ulo. Nasa bahay na pala ako.

Ang sarap makipaghabulan sa oras.

Ang sarap pagmasdan ng mundong may kulay.

~ by tuldok on September 22, 2005.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: