Ma’am May Tanong Ako

If there was no gravity, would there be raindrops?

Pauwi na ako kanina, exasperated at pagod sa katatapos lamang na lecture tungkol sa FPM, EDO, SDRAM, PROM, EPROM, EEPROM at kung anu-ano pang mga ROM at RAM (nakakahiya mang aminin pero patapos na ang semester ay wala pa rin akong natututunan sa Assembly PL except sa kung ano ang depinisyon ng register at kung para saan ito), nang maalala ko ang pinag-usapan namin ng mga best fwends ko kanina sa may main library. Maraming tanong na hindi masagot at maraming tanong na lumilitaw pa lamang.

Gulung-gulo na ako, at kahit anong gawin ko, hindi ko maintindihan ang mga nangyayari sa paligid ko. Hindi ko maintindihan kung bakit may lalaki at babae. Hindi ko maintindihan kung bakit ako nag-aaral at kung bakit ang edukasyon ay parang eksperimento upang makapagprodyus ng mga taong naaayon sa pangangailangan ng society. Kung paano at bakit nagkaroon ng ideolohiyang misogyny at misandry. Kung bakit ang mundo lamang ang maaring tirhan sa solar system na kinabibilangan nito, kung bakit elliptical ang porma ng orbits ng mga planeta, kung bakit bilog ang mundo at kung bakit dumidilim. Kung bakit kailangang may mahirap at mayaman, kung bakit may maitim at maputi, kung bakit may pango at matangos ang ilong. At kung bakit may nagtatanong. Siguro napakababaw ng mga katanungan ko, itinuro na sa sekondarya ang Biology at Chemistry, natutunan na rin natin sa mga magulang natin kung bakit kailangang mag-aral at kung bakit hindi pantay-pantay ang mga tao. Pero bakit. BAKIT?

May Diyos ba? O may mga diyos ba? May kapalaran ba? May destiny? Kung ang Diyos ang alpha at omega at s'yang gumawa ng lahat, past, present, future, may free will ba? Kung mayroong free will, hindi ba alam ng Diyos na gagawin ko ang homework ko mamaya sa Physics? Kung may free will, makakagawa tayo ng mga bagay na tayo ang nagdesisyon na walang intervention ng kahit ano at kahit sino mang divine, kung may free will, hindi alam ng Diyos na maglalagay ako ng tuldok sa end ng pangugusap na ito. Ngunit kung alam ng Diyos dahil s'ya ang gumawa ng future, hindi ba't isa itong contradiction sa notion ng free will sapagkat kung nakatakda na ang future natin, para saan pa ang free will? Tayo ba ay pre-destined na kahit anong gawin natin ay isang pangyayari lamang ang kababagsakan natin sa huli? Ano ang tama? Ang tama ba ay isang bagay na kung saan ang karamihan ang magbebenipisyo? Ngunit hindi ba't hindi lahat ng tama ay totoo? Ano ang mali? Hindi ba't ang mali ay isang bagay na sisira sa symmetry? Kakabili ko lang ng cell phone kay Manong James kanina, nagtetext ako at biglang may umagaw nito, naagaw ulit ang cell phone na inagaw na sa akin, patuloy ang cycle, paulit-ulit, mali ba ito o tama? Mali, hindi ba? Hindi kontrolado, walang balance. Kung gayon, hindi ba't napakadaling gumawa ng kautusan na tulad sa Ten Commandments ng mga Kristiyano na hindi natin ibabase sa isang libro o kung anumang ispiritwal? Necessary ba ang purpose sa buhay? Bakit? Masama ba ang diyos? Bakit niya pinababayaan ang mga batang nilalangaw sa kalye na walang matulugan? Bakit hinahayaan niyang abusuhin ng mga magulang ang mga anak nila? Bakit hinahayaan niyang milyun-milyon ang magahasang mga kababaihan araw-araw? Hindi n'ya ba alam na kukunin ni Eba ang mansanas mula sa puno? Bakit n'ya inilagay ang ahas sa hardin? Hindi ba s'ya omniscient, omnipresent at omnipotent upang hindi malaman ang lahat? Bakit n'ya pinarusahan sina Adan at Eba? Hindi ba't ang parusa ay resulta ng emosyon? Bakit s'ya may emosyon? Hindi ba't perpekto s'ya? Hindi ba't ang isang taong nalalaman ang hinaharap ay hindi na kailangang masorpresa? Bakit s'ya nagagalit? Bakit s'ya nagpaparusa? Hindi ba't omnibenevolent s'ya? Hindi ba?

Bakit ako nagtatanong? Gutom lang 'to.

~ by tuldok on September 15, 2005.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: