Waaaw…

Waaaw…lakas ng ulan. Kumukulog pa.

Naglalakad ako kanina habang dala-dala ang puting payong ng kapatid ko. Ang ganda palang pagmasdan ng puti sa ilalim ng madilim na langit, kasabay ang mga patak ng ulan.

Gusto ko sanang isara muna ang payong at sadyang magpaulan. Yung parang sa mga teleserye o movies ni Regine Velasquez. Okay lang na wala akong Robin Padilla basta maramdaman ko ang malamig na ulan. Mahilig kasi akong maligo sa ulan noon, eh. Kaya lagi akong pinapagalitan (kahit hindi naman ako nagkakasakit).

Naalala ko, ayaw na ayaw kong matulog noong maliit pa ako. Lalo na kapag umuulan. Hindi ko nga alam kung anong meron sa kulog at kidlat, eh. Hindi ko alam kung bakit kapag parang minamartilyo na ang bubong namin ng bagyo, eh nagiging hyper ako. Siguro kasi naiisip kong maliligo na naman ako sa ulan kasama ang mga kaberks ko. At siguro dahil sobrang kuryos pa ako noon sa mga bagay-bagay at gusto kong maging witness sa lahat ng mga nangyayari sa paligid ko. Pero ngayon, madalas mo na akong makikitang nakahilata sa kama na kung hindi tumutulo ang laway eh parang bangkay na hindi na gigising. Mas masarap matulog. Lalo na kapag constantly depressed ka.

Masayang mag-isip habang natutulog. Masayang matulog dahil napakadaling makalimutan ang lahat ng bagay sa real world. Pipikit ka lang at maghihintay hanggang sa dalhin ka ng hilik mo sa nirvana. At *click* parang isang instant trip to Europe.

Ngayon, naisip ko tuloy, sana dati, sinusunod ko na lang ang nanay ko kapag pinapatulog n'ya ako, tumangkad pa sana ako.

~ by tuldok on September 12, 2005.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: