Namumula Na Ang Salamin

Ayaw ko sanang mag-comment, kaya lang, ate, hindi ko na mapigilan, kelangan ko lang talagang ilabas ang mababaw kong pagkairita sa'yo. Pagpasensyahan mo na sana.

Wala namang kaso sa akin ang pagpapaganda mo. Okay, sige, bilhin mo kung ano ang gusto mo, gawin mo ang gusto mo, ipaayos mo ang lahat ng sa tingin mo ay kailangang ayusin sa'yo pero sana matuto ka namang gawin ang mga bagay na 'yan na nag-iisip. Huwag 'yong gagawin mo kasi naisip mo lang, huwag 'yong gagawin mo kasi naiinggit ka. Sana alam mong maraming bagay na dapat pag-isipan at mga taong dapat i-consider bago ka magdesisyon.

I-pamper mo sarili mo pero limitahin mo naman ang oras sa harap ng salamin. Mahirap bang magdesisyon kung aling kulay ng sapatos ang bagay sa blue mong t-shirt? Titigil ba ang pag-ikot ng mundo kung hindi color-coordinated ang damit mo? Uulan ba ng palaka kung maling color ng eyeshadow ang naipahid mo? Hindi naman siguro.

Wala akong pakialam kung pumuti si Miss Maitim-Pa-Sa-Puwet-Ng-Kaldero. Wala. Dahil hindi ko naman pinangarap na magtrabaho sa isang advertising agency at magproduce ng commercial ng Skin White. Hindi naman natin kailangang ma-conscious sa katawan natin dahil lahat naman ng tao may itinatago, may artistahing maitim ang kaliwang kili-kili at may mestisang nagmumukhang paldang may floral print ang likod dahil sa freckles.

Hindi naman kita pinipigilang magpaganda. Ang sa akin lang naman, baka mamula na ang salamin sa kakatitig mo. At imbis na ubusin mo ang pera mo sa Nivea at Victorias Secret, itulong mo na lang 'yan sa mga batang walang makain at nilalangaw sa kalye.

~ by tuldok on September 11, 2005.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: