Ang Tuldok

 

Kung nabasa mo na ang pahinang may pamagat na Si Tuldok, marahil gusto mong malaman kung ano nga ba ang Tuldok. Para saan nga ba ito?

Salungat sa tunay na tungkulin ng isang tuldok na ‘tapusin’ ang isang pangungusap o talata, ang aking Tuldok ay ang mga letrang bumubuo sa panaguri at paksa ng pangungusap.

Matagal na akong residente ng Internet. Matatawag na nga raw akong beterana. Pero sa maraming taon kong pagkahumaling sa hiwaga ng Internet, maraming beses ko nang hindi naipakita ang tunay na ako. Mababa ang tiwala ko sa sarili kaya’t, madalas, hindi ko naibabahagi ang totoong ako. Kaya’t naisip kong lumikha ng isang lugar kung saan kaya kong sabihin at gawin lahat ng gusto ko na hindi natatakot sa titig ng ibang tao.

Eh, takot ka pa rin, eh. Oo, tama. Kaya nga hindi pa rin ako nagpapakilala. Hindi pa natutupad ang layunin kong ‘wag magtago. Pero sa kasalukuyan, okay na ako sa ganitong sitwasyon. At least, may outlet ako. =]

Ang unang naging lungga ko ay ginawa ko sa LiveJournal. Naisip kong marami-rami na ang nakakakilala sa akin kaya’t lumipat ako ng i.PH at nagpalit ng pangalan. Doon ko sinimulan si Tuldok. Maaaring ang magandang serbisyo ng WordPress (WP) ang nagtulak sa akin upang ilipat ang Tuldok. Pakiramdam ko’y masaya na ako rito. Wala na sanang maging dahilan upang lisanin ko ang WP o tuluyang lumayo.

Ito ang una at, marahil na rin, magiging huling blog ko sa wikang Tagalog. Lahat kasi ng gawa ko, sa mga naging at iba pang kasalukuyang website at weblog, ay isinulat gamit ang dayuhang wika.

Kung balang-araw magpapakilala ako o ipapagsama ko si Tuldok at ang kahati niyang katauhan, hindi ko alam. Malay mo.


7 Responses to “Ang Tuldok”

  1. patricia iam from great britain what is the meaning of tuldok?

  2. bakit ng ba palaging may tuldok sa hulihan ng salita?

  3. @ Patricia

    Tuldok is the Filipino word for “period.”

  4. @ Lisa

    Hindi ko rin alam eh pero parang magulo ata kung wala parang ganito kelangan natin ng magsasabi na dapat na munang tumigil para huminga

  5. ang galing . hahah ! dito ko kumukuha ng mga idea ee . hahaha ! ayus !

  6. sino nga ba si tuldok?

  7. si tuldok wlang iba kundi ako..

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

 
Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

%d bloggers like this: